Wednesday, July 1, 2009

Just Me and the New Day...

Posted by beth at 9:54 PM
Friday July 13th 2007, 7:25 am

Isang bagong umaga ang siyang tumambad sa aking harapan…Himig ng mga ibon ang siyang bumungad sa aking pandinig…Kay sarap ng pakiramdam na pagmulat ng aking mga mumunting mata bagong umaga ang aking nasilayan…

Paglabas ko ng aming tahanan malalanghap ko ang sariwang hangin…Maaninag ko ang ganda ng tanawin…Isang bagong umaga at bagong buhay na naman ang aking haharapin…
Salamat sa nakaraang bagyo…marahil kundi dahil dito di ko maaaninag ang kagandahan ng bagong araw…marahil kundi dahil sa nakaraang unos hindi ko makikita ang kagandahan ng bagong hinaharap…marahil kung hindi sa masalimuot na paligid hindi ko matututunang bigyang pansin ang kagandahan ng maaliwalas na paligid…

Ngayon tapos na ang ulan…wala ng baha…tumila na ang malakas na ihip ng hangin…Ako’y nagpapasalamat sa pagkat ako’y hindi natangay sa alon na dulot ng sama
ng panahon…ngayon masasambit ko ng buong lakas na NAPAKAGANDA NG BAGONG UMAGA!

2 comments:

kulasa on July 20, 2009 at 1:29 AM said...

hellllloooo sissssssss sorry ngayon lang ako napadpad dito, dami mo kase bahay e he he he he.....nakapaglipat ka na pala, super furnished na ang blogger home mo, i looovvveeeee everything in it...di ko na iisa isahin basta love ko lahat ng post....mmmwahhhhh!!!!!!!

beth on July 20, 2009 at 3:29 PM said...

heheheh...sis dito na ko sa blogger ulit...hahahhaa...di halata sis ang pagkaadik ko sa cyberspace...hahahaha...salamat sa pagbisita ate kong maganda...luv u....

 

It's the Little Things... Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare