Wednesday, July 1, 2009

Feeling senti lang…winter na kc…

Posted by beth at 11:04 PM

Tuesday November 27th 2007, 9:34 pm

Sa isang sulok ako’y nagmamasid…tila may pangamba sa paligid…may nagbabadyang babala…subalit bakit ganun…hindi ko maintindihan ang nais nitong ipahiwatig….parang nabubulag ang aking mga mata… nabibingi ang aking mga tenga…hindi makatakbo ang aking maliliit na mga paa…at hindi makasigaw ang aking bunganga ng saklolo…

Kailan titila ang pagbuhos ng ulan…kelan tatahimik ang kapaligiran…kelan ko malalaman na ang lahat ay maayos na…kailan ko masasabing wala ng bagyo…kailan ko masasambit ang mga katagang…”TAPOS NA…”

Marahil sa katapusan ng taong ito malalaman ko rin ang kasagutan sa aking mga katanungan…mababawasan ang lumbay…unti-unting mawawala ang mga namumuong pag-iimbot at pang-agam-agam…matatapos din ang paghihinagpis…mawawala ang tandang patanong sa bawat salita na sasambitin…sa halip lahat ay unti-unting magtatapos sa tandang-padamdam…

At lahat ay magkakaroon ng pagbabago…magkakaroon ng bagong saysay ang aking bagong mundo…

Mawawala na ang lumbay… at ang bagong buhay ay magkakaroon ng bagong saysay…

cheers everyone…Happy HOLIDAYS…

nagpapakasenti kc malapit na naman ang pasko ... hehehehe

0 comments:

 

It's the Little Things... Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare